Tuesday, September 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 3, Sabado sa Ika-26 na Linggo ng Taon: Lucas 10:17-24


Mabuting Balita:
Lucas 10:17-24
17  Tuwang-tuwang nagbalik ang Pi­tumpu’t dalawa at ang sabi: “Panginoon, mga demonyo ma’y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.” 18 Sinabi naman ni Jesus: “Nakita kong bumag­sak na parang kidlat si Satanas mula sa langit. 19 Bini­bigyan ko kayo ng ka­pang­yarihang yumapak sa mga ahas at alak­dan. Masu­supil ninyo ang lahat ng ka­pang­yarihan ng kaaway, at walang anu­mang makapi­pinsala sa inyo. 20 Su­ba­lit magalak kayo hindi dahil sa pag­suko sa inyo ng mga espiritu kundi sa­pagkat nasusulat sa langit ang in­­yong mga pangalan.”  

21 Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim  mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud-lugod ito sa iyo. 22 Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakaka­kilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.” 

23 Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sari­linan: “Mapalad ang mga matang nakaka­kita ng inyong nakikita. 24 Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at ma­rinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.”

No comments: