Monday, September 28, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 1, Huwebes, Santa Teresita ni Jesus, dalaga at pantas ng Iglesia (Paggunita): Lucas 10:1-12

 

Mabuting Balita: Lucas 10:1-12
1Pagkatapos nito, humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat ba­yan at lugar na takda niyang pun­tahan. 2 Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga mang­gagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. 3 Lumakad na kayo. Isinusugo ko ka­yong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong ba­tiin ang sinuman sa daan.

5 Saanmang bahay kayo pumasok, sa­bihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ 6 Kung mapaya­pang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y mag­babalik sa inyo ang inyong dasal. 7 At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at umi­nom na kasalo nila sapag­kat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sa­hod. Huwag kayong magpapapalit-palit ng bahay. 

8 Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anu­mang ihain sa inyo. 9 Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang kaha­rian ng Diyos.’ 10 Saanmang bayan kayo pumasok at di nila kayo tanggapin, lumabas kayo sa mga liwasan nito at inyong sabihin: 11 ‘Pati na alikabok mula sa inyong ba­yan na ku­mapit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin sa inyo. 

Gayunman, alamin nin­yong palapit na ang kaharian ng Diyos.’ 12 Sina­sabi ko sa inyo na magaan pa ang sasapitin ng mga taga-Sodom kaysa bayang iyon sa dakilang Araw.

No comments: