Friday, September 18, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Setyembre 20, Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 20:1-16

 

Mabuting Balita: Mateo 20:1-16

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 1 Tungkol sa nangyayari sa kaharian ng Langit ang kuwentong ito. Maagang lu­ma­bas ang isang may-ari para umupa ng mga mang­ga­gawa sa ubasan. 2 Nakipag­kasundo siya na tatang­gap ang mga mangga­gawa ng isang bar­yang pilak isang araw, at pina­punta na niya sila sa ubasan.

3 Lumabas din siya nang mag-iika­siyam ng uma­ga at nakita niya  ang ibang mga nakatayo sa plasa na walang gina­gawa. 4 Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Pu­mun­ta rin kayo sa aking ubasan at bibig­yan ko kayo ng nara­rapat.’ At pumunta sila.

5 Muli siyang lumabas kinatanghalian at nang mag-iikatlo ng hapon at gayun­din ang ginawa niya. 6 Lumabas din siya sa huling oras ng paggawa at nakita niya ang iba pang nakatayo lamang. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Bakit kayo nakatayo lang at maghapong walang ginagawa?’ 7 Sumagot sila: ‘Dahil walang umupa sa amin.’ Sinabi niya: ‘Pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’

8 Paglubog ng araw, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang tagapamahala: ‘Tawagin ang mga mang­gagawa at baya­ran sila, mula sa huli hanggang sa una.’ 9 Kaya lumapit ang mga duma­ting sa huling oras at binigyan sila ng tig-isang denaryo (isang bar­yang pilak). 10 Nang lumapit naman ang mga nauna, akala nila’y tatanggap sila ng higit pa. Ngunit tumanggap din sila ng tig-isang denaryo. 11Kaya pagka­tang­gap nila nito, nagsimula silang mag­reklamo sa may-ari.

12 Ang sabi nila: ‘Isang oras lamang ang trabaho ng mga huling ito, at  ipina­pantay mo sila ngayon sa amin na mag­hapong nagtrabaho sa init ng araw.’ 13Kaya sina­got ng may-ari ang isa sa kanila: ‘Ka­ibi­gan, hindi ko kinu­kuha ang sa iyo. Di ba’t nag­kasundo tayo sa isang denaryo isang araw? 14 Kaya tang­gapin mo ang  sa iyo at umalis ka na. Gusto ko ring bigyan ang nahuli gaya ng ibinigay ko sa iyo. 15 Wala ba akong karapatang gawin ang gusto ko sa pera ko? Bakit ka naiinggit dahil maawain ako?’ 16 Kaya mauuna nga ang huli, at mahu­huli ang una.” 

No comments: