Mabuting
Balita: Lucas 4:31-37
31 Bumaba
si Jesus sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya nakaugaliang
magturo tuwing Araw ng Pahinga. 32 At nagulat ang mga tao sa kanyang aral
dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan.
33 May
isang tao sa sinagoga na inaalihan ng maruming demonyo, na sumigaw nang
malakas: 34 “Ah, ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Para
ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Diyos!”
35 Ipinag-utos naman sa kanya ni Jesus: “Tumahimik ka at lumabas sa
kanya!” Pagkatapos ibulagta ng demonyo ang tao sa gitna nila, lumabas ito mula
sa kanya nang hindi sinasaktan. 36 Nagtaka ang lahat at nag-usap-usap
sila: “Ano ito? Nakapag-uutos siya sa maruruming espiritu nang may kapangyarihan
at lakas, at lumalabas sila!” 37 Kayat kumalat ang usap-usapan tungkol sa
kanya sa lahat ng lugar sa kabayanan.
No comments:
Post a Comment