Mabuting Balita: Mateo 14:13-21
13 Nang marinig ito ni Jesus,
lumayo siya at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit
nalaman ito ng mga tao at sumunod sila sa kanya na naglalakad mula sa kanilang
mga bayan. 14 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming
taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila. At pinagaling niya ang mga
maysakit.
15 Nang hapon na, lumapit sa kanya
ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras.
Paalisin mo na ang maraming taong ito para makapunta sila sa mga nayon at
makabili ng kani-kanilang pagkain.” 16 Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi na
nila kailangang umalis pa; kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.”
17 Sinabi nila: “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.”
18 Sinabi niya: “Akin na.”
19 At iniutos niyang maupo sa damuhan
ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala
sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad;
at ibinigay rin nila sa mga tao. 20 At kumain silang lahat at nabusog, at
inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang punong basket.
21 Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata.
No comments:
Post a Comment