Saturday, August 1, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Agosto 2, Ika-18 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 14:13-21


Mabuting Balita: Mateo 14:13-21
13 Nang marinig ito ni Jesus, lumayo siya at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nalaman ito ng mga tao at sumunod sila sa kanya na naglalakad mula sa kanilang mga bayan. 14 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nag­ka­katipon doon at naawa siya sa kanila. At pinaga­ling niya ang mga maysakit.

15 Nang hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras. Paalisin mo na ang maraming taong ito para ma­kapunta sila sa mga nayon at makabili ng kani-kanilang pagkain.” 16 Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi na nila kailangang umalis pa; kayo ang mag­bigay sa kanila ng makakain.” 17 Sinabi nila: “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.” 18 Sinabi niya: “Akin na.”

19 At iniutos niyang maupo sa damu­han ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumi­ngala sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad; at ibinigay rin nila sa mga tao. 20 At kumain silang lahat at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang punong basket. 21 Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata.


No comments: