Thursday, August 6, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 7, Biyernes sa Ika-18 Linggo ng Taon: Mateo 16:24-28


Mabuting Balita: Mateo 16:24-28
24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. 25 Sa­pagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawa­walan nito ngunit ang naghahangad na mawa­lan ng sarili alang-alang sa akin ang makaka­tagpo nito. 26 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? Ano ang maibibigay niya para mabawi ito?

27 Darating nga ang Anak ng Tao taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang mga banal na anghel, at doon niya gagantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa. 28 Totoong sina­sabi ko sa inyo na makikita ng ilan sa inyo ang Anak ng Tao na duma­rating bilang Hari, bago sila ma­matay.”

No comments: