Tuesday, August 04, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 4, Martes; San Juan Maria Vianney, pari: Mateo 15:1-2, 10-14


Mabuting Balita: Mateo 15:1-2, 10-14
Nagkatipon sa paligid ni Jesus ang ilang Pariseo at mga guro ng Batas na galing pa sa Jeru­salem. At sinabi nila sa kanya: “Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng  kamay bago ku­main.”

10 Kaya tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan at una­wain. 11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa tao kundi ang lumalabas sa bibig ang naka­pagpaparumi sa tao.”

12 Pagkatapos ay lumapit kay Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi: “Alam mo bang naiskandalo ang mga Pariseo sa sinabi mo?” 13 Sumagot si Jesus: “Ang bawat tanim lamang na hindi itinanim ng aking Amang nasa Langit ang mabu­bunot. 14 Huwag ninyo silang pansinin! Mga bulag na gabay sila. Kapag isang bulag ang umakay sa kapwa-bulag, silang dalawa ang mahu­hulog sa hukay.”

No comments: