Mabuting
Balita: Marcos 6:17-29
17 Si
Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay
Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Pinakasalan ni Herodes si
Herodias 18 at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo puwedeng kasamahin
ang asawa ng iyong kapatid.” 19 Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias
kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa.
20 Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti
at banal na tao, kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos makinig
kay Juan, gayunma’y gusto pa rin niyang marinig ito.
21 At
nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya para sa
kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahalagang tao ng Galilea.
22 Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya
si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko
sa iyo ang anumang hingin mo.” 23 At sinumpaan pa niya ang pangakong
ito: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo, kahit na ang kalahati ng aking
kaharian.”
24 Lumabas
ang anak at tinanong ang kanyang ina: “Ano ang hihingin ko?” At sumagot naman
ito: “Ang ulo ni Juan Bautista.” 25 Agad niyang pinuntahan ang hari at
sinabi: “Gusto kong ibigay mo agad sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang
bandeha.”
26 Nabalisa
ang hari ngunit ayaw niyang tumanggi dahil sa sinumpaan niyang pangako sa harap
ng mga bisita. 27 Kaya iniutos ng hari sa isa niyang guwardiya na dalhin
ang ulo ni Juan. Pinugutan nito si Juan sa kulungan, 28 inilagay sa
isang bandeha ang kanyang ulo, ibinigay sa dalaga, at ibinigay naman ito ng
dalaga sa kanyang ina. 29 Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan,
dumating sila para kunin ang kanyang katawan at inilibing.
No comments:
Post a Comment