Mabuting
Balita: Mateo 23:23-26
23 Kawawa
kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Hindi ninyo
nalilimutan ang mint, anis at kumino sa pagbabayad ninyo ng ikapu, ngunit hindi
ninyo tinutupad ang pinakamahalaga sa Batas: ang katarungan, awa at pananampalataya.
Ito ang nararapat isagawa na hindi kinakaligtaan ang iba. 24 Mga bulag na
tagaakay! Sinasala ninyo ang lamok, pero nilulunok ang kamelyo.
25 Kawawa
kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis
ninyo ang labas ng plato at kopa ngunit pinupuno naman ninyo ang loob ng
pagnanakaw at karahasan. 26 Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang loob,
at lilinis din ang labas.
No comments:
Post a Comment