Mabuting
Balita: Mateo 22:1-14
1 Muling nagsalita si Jesus sa pamamagitan ng mga talinhaga:
2 “Tungkol sa nangyayari sa kaharian ng Langit ang kuwentong ito:
May isang haring naghanda sa kasal ng kanyang anak na lalaki. 3 Ipinatawag
niya sa mga katulong ang mga imbitado
sa kasalan ngunit ayaw nilang dumalo.
4 Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong para sabihin sa
mga inanyayahan sa kasalan: ‘Naghanda ako ng pagkain, nagpatay ng mga toro at
mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo sa kasalan.’
5 Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may pumunta sa kanyang taniman, at sa kanyang
negosyo naman ang isa pa.
6 Sinunggaban naman ng iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at
pinatay. 7 Lubhang nagalit ang hari kayat ipinadala niya ang kanyang
hukbo para puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin ang lunsod. 8 At
sinabi niya sa kanyang mga katulong: ‘Handa na ang kasalan ngunit hindi
karapat-dapat ang mga inanyayahan. 9 Pumunta kayo ngayon sa dulo ng
lunsod at anyayahan sa kasalan ang bawat makita ninyo.’
10 Kaya agad na lumabas sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang
lahat ng makita, masama at mabuti, at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag. 11 Pagkatapos
ay dumating ang hari para tingnan kung sino ang mga nasa hapag at napansin niya
ang isang lalaking hindi nakadamit-pampiyesta.
12 Kaya sinabi niya sa kanya: ‘Kaibigan, paano ka nakapasok nang
walang damit pangkasal?’ Ngunit hindi umimik ang tao. 13 Kaya sinabi ng
hari sa kanyang mga katulong: ‘Igapos ang kanyang mga kamay at paa, at itapon
sa dilim, kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.’
14 Marami ngang talaga ang tinawag pero kaunti ang pinili.”
No comments:
Post a Comment