Mabuting
Balita: Mateo 19:23-30
23 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Talagang sinasabi ko sa
inyo: mahirap makapasok ang mayaman sa kaharian ng Langit. 24 Oo, maniwala
kayo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok
ang isang mayaman sa kaharian ng Langit.”
25 Nang marinig ito ng mga alagad, namangha sila at sinabing “Kung
gayon, sino ang maliligtas?” 26 Tinitigan sila ni Jesus at sumagot: “Imposible
ito para sa tao; pero para sa Diyos, lahat ay posible.” 27 Nagsalita si
Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo: ano naman ang
para sa amin?”
28 Sumagot si Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyong mga sumunod
sa akin: sa Araw ng Pagbabago, pag upo
ng Anak ng Tao sa kanyang trono nang buong luwalhati, uupo rin kayo sa labindalawang
trono para maghari sa labindalawang tribu ng Israel. 29 At ang mag-iwan
ng mga tahanan, mga kapatid, ama at ina, mga anak o mga bukid alang-alang sa
ngalan ko, tatanggap siya ng sandaang beses at makakamit ang buhay na walang
hanggan. 30 May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na
mauuna.
No comments:
Post a Comment