Mabuting
Balita: Lucas 1:39-56
39 Nang mga araw ring iyo’y nagmamadaling naglakbay si Maria papunta
sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. 40 Pumasok siya roon sa bahay
ni Zacarias at binati si Elizabeth. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang bati
ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu
Santo si Elizabeth 42 at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala
sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan!
43 Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon?
44 Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang
sanggol sa aking sinapupunan. 45 Pinagpapala ang naniniwalang magaganap
ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.” 46 At sinabi ni
Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon 47 at nagagalak ang
aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas 48 dahil isinaalang-alang
niya ang abang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat
ng salinlahi. 49 Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal
ang kanyang Pangalan.
50 Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may
pitagan sa kanya. 51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan
ang mga taong may mapagmataas na balak. 52 Pinatalsik niya sa luklukan
ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga bale-wala. 53 Binusog
niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang
mayayaman. 54 Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang
kanyang awa 55ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa
kanyang angkan magpakailanman.” 56 Mga tatlong buwang nanatili si Mariang
kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
No comments:
Post a Comment