Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 15 Kung nagkasala sa iyo ang
iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig
siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. 16 Kung hindi naman siya
makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para lutasin ang kaso sa pagsaksi ng dalawa o tatlo. 17 Kung
tatanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi pa
rin siya makikinig sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano.
18 Talagang sinasabi ko sa inyo: ang talian ninyo sa lupa ay
matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo dito sa lupa ay kakalagan din sa
Langit. 19 Sinasabi ko rin sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa
inyo na nagkakaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng
aking Amang nasa Langit. 20 Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong
nagkakatipon sa Ngalan ko, kapiling nila ako.”
No comments:
Post a Comment