Saturday, August 08, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 11, Martes; Santa Clara, dalaga (Paggunita): Mateo 18:1-5, 10, 12-14


Mabuting Balita: Mateo 18:1-5, 10, 12-14
1 Nang panahong iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at tina­nong nila siya: “Sino ang mas una sa kaharian ng Langit?”

2 Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, 3 at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hang­gang hindi kayo nagbabago at nagi­ging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. 4 Ang nag­papaka­baba gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinaka­malaki sa kaharian ng Langit. 5 At ang sinumang tumanggap sa batang ito dahil sa aking pangalan ay tumatang­gap sa akin.

10 Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.

12 Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyam¬napu’t siyam para hanapin ang naliligaw? 13 At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matu¬tuwa pa siya rito kaysa siyam¬napu’t siyam na hindi naligaw. 14 Gayun¬din naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito.

No comments: