Sunday, July 05, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 6, Lunes; Ika-14 Linggo ng Taon: Mateo 9:18-26


Mabuting Balita: Mateo 9:18-26
18 Habang nagsasalita si Jesus sa kanila, lumapit sa kanya ang isang pangulo ng sinagoga at paluhod na sinabi: “Kamamatay nga lamang ng aking anak na babae, pero halika at ipatong ang iyong mga kamay at siya’y mabubuhay.” 19 Kaya tumayo si Jesus at sumama sa kan­ya, pati na ang kanyang mga alagad.

20 Nilapitan naman siya mula sa likuran ng isang babaeng labindalawang taon nang dinudugo, at hinipo nito ang layla­yan ng damit ni Jesus. 21 Sapagkat naisip niya: “Kung mahi­hipo ko lamang ang lay­la­yan ng kan­yang damit, gagaling na ako.” 22 Lumi­ngon naman si Jesus, nakita niya siya at sinabi: “Lakasan mo ang iyong loob, anak ko, pinagaling ka ng iyong pananalig.” At gumaling ang babae sa sandaling iyon.

23 Pagdating ni Jesus sa bahay ng pangulo, nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakaingay. 24 At sinabi niya: “Umalis kayo! Hindi patay ang dala­gita kundi tulog.” Pinagtawanan nila siya. 25 Ngunit pagkaalis ng mga tao, puma­sok siya, hina­wakan ang bata sa kamay at buma­ngon ito. 26 Luma­ganap ang balitang ito sa buong lupa­ing iyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: