Wednesday, July 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 30, Huwebes; sa Ika-17 Linggo ng Taon: Mateo 13:47-53


Mabuting Balita: Mateo 13:47-53
Sinabi ni Jesus sa mga tao: 47 Naihahambing din ang kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kung anu-ano. 48 Nang puno na ang lambat, hinila ito papunta sa pampang. At saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabu­buting isda sa mga timba at iti­napon ang mga walang kuwenta. 49 Ganito ang mangya­yari sa kata­pusan ng mundo. Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa mabu­buti; 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pag­ngangalit ng mga ngipin.”

51 At itinanong ni Jesus: “Nauuna­waan ba ninyo ang lahat ng ito?” “Oo,” ang sagot nila. 52Kaya sinabi niya sa kanila: “Kaya bawat guro ng Batas na tinuruan tungkol sa Kaharian ay katulad ng isang ama ng tahanan na may tabihan, at laging may bago at luma sa tuwing kukuha siya.”

53 Nang matapos ni Jesus ang mga talinhagang ito, umalis siya sa lugar na iyon.

No comments: