Tuesday, July 28, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 29, Miyerkules; Santa Marta (Paggunita): Lucas 10:38-42

Mabuting Balita: Lucas 10:38-42
38 Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagnga­ngalang Marta. 39 May kapatid siyang babae na tina­tawag na Maria. Naupo ito sa may paa­nan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. 40 Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa?

 Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.” 41 Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa ma­raming bagay; 42 isa lang naman ang ka­ilangan. Pinili nga ni Maria ang ma­inam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: