Sunday, July 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 23, Huwebes; Santa Brigida, relihiyosa: Mateo 13:10-17


Mabuting Balita: Mateo 13:10-17
10 Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong: “Bakit sa pamamagitan ng mga talinhaga ka nag­sasalita sa kanila?”

11 Sumagot si Jesus: “Sa inyo ipinag­ka­loob na malaman ang mga lihim ng kaha­rian ng Langit, ngunit hindi sa kanila. 12 Sa­pagkat ang meron ay bibigyan pa at sasagana pa siya. Ngunit ang wala ay aagawan pa ng nasa kanya na. 13 Kaya nagsasa­lita ako sa kanila nang patalinhaga sapag­kat tumi­tingin sila pero wa­lang nakikita, nakari­rinig sila pero hindi nakikinig o nakaka­unawa.

14 Sa kanila natutupad ang mga salita ni Propeta Isaias: “Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo nakaka­una­wa; tumi­ngin man kayo nang tumingin, hindi kayo naka­kakita. 15 Pinatigas nga ang puso ng mga taong ito. Halos walang naririnig ang kanilang mga tainga at walang nakikita ang kani­lang mata. At baka makakita ang kani­lang mata at makarinig ang kanilang tainga at makaunawa ang kanilang puso, upang bu­malik sila at pagalingin ko sila.”

16 Ngunit mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na nakakarinig. 17 Sinasabi ko nga sa inyo na mara­ming propeta at mabubuting tao ang may gustong makita ang nakikita ninyo ngayon pero hindi nila nakita, at mari­nig ang inyong naririnig pero hindi nila na­rinig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: