Saturday, June 27, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 29, Lunes; San Pedro at San Pablo mga apostol (Dakilang Kapistahan): Mateo 16:13-19


Mabuting Balita: Mateo 16:13-19
13 Pumunta noon si Jesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga ala­gad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” 14 Sumagot sila: “May nagsasa­bing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.”

15 Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” 16 At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” 17 Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.

18 At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kama­tayan. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang ka­lagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: