Thursday, June 18, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 20, Sabado; Kalinis-linisang Puso ni Maria (Paggunita): Lucas 2:41-51


Mabuting Balita: Lucas 2:41-51
41 Pumupunta taun-taon sa Jeru­sa­lem ang mga magulang ni Jesus para sa Piyesta ng Paskuwa. 42 Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiri­wang. 43 Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jeru­salem ang ba­tang si Jesus nang hindi na­mamalayan ng kanyang mga magulang.

44 Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon si­lang nakipaglakbay at noon nila hina­nap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. 45 Nang hindi nila siya ma­tag­puan, bumalik sila sa Jeru­salem sa pag­hahanap sa kanya. 46 At sa ikatlong araw, natag­puan nila siya sa Templo, naka­upong kasama ng mga guro at naki­kinig at nagtatanong sa kanila. 47 At na­mangha sa kanyang ta­lino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya.

48 Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nag­dusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” 49 Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” 50 Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila.

51 Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.
  
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: