Thursday, June 11, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 12, Biyernes; Ika Sampung Linggo ng Taon: Mateo 5:27-32


Mabuting Balita: Mateo 5:27-32
Sinabi ni Jesus sa kanyang nga alagad, 27 Narinig na ninyo na sinabing: Huwag kang makiapid. 28 Ngunit sinasabi ko naman sa inyo: ang sinumang tumingin nang may pagnanasa sa isang babae ay nakiapid na rin sa kanyang puso.

29 Kaya kung ang iyong kanang mata ang nagbubuyo sa iyo sa kasa­lanan, alisin mo ito at itapon! Makabu­buti pa sa iyo na mawalan ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa matapon ang buo mong katawan sa impiyerno. 30 Kung ang iyong kanang kamay naman ang nagbubuyo sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito at ita­pon! Mas makabubuti sa iyo ang mawa­lan ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa matapon ang buo mong katawan sa impiyerno.

• 31 Sinabi rin namang: Kung may ma­kikipagdiborsiyo sa kanyang maybahay, bigyan niya ito ng katibayan. 32 Ngunit sinasabi ko sa iyo: kung may magpaalis sa kanyang maybahay sa ibang dahilan maliban sa kawalang-katapatan, pinapakiapid niya ito. At naki­kiapid din ang nagpapakasal sa babaeng diborsiyada.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: