Monday, June 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 1, Miyerkules; Ika-13 Linggo ng Taon: Mateo 8:28-34


Mabuting Balita: Mateo 8:28-34
Pagdating ni Jesus sa lupain ng Gadara sa kabilang ibayo, sinalubong siya ng dalawang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan. Napakabangis nila kayat walang maka­­­­daan doon. 29 Bigla silang sumi­gaw: “Ano ang kailangan mo sa amin, ikaw na Anak ng Diyos! Puma­rito ka ba para pahirapan kami bago sumapit ang panahon?”

30 Sa may di-kalayua’y maraming baboy na nanginginain. 31 Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: “Kung palala­yasin mo kami, ipadala mo kami sa mga baboy.” 32 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Umalis kayo.” Kaya pagka­layas ng mga demonyo’y pumasok ang mga ito sa mga baboy – at hayun! nahulog sa bangin ang lahat ng baboy papuntang dagat, at nalunod na lahat.

33 Tumakas naman ang mga nagba­bantay sa mga baboy. Pagdating nila sa bayan, ipinamalita nila ang lahat at kung ano ang nangyari sa mga ina­alihan ng mga demonyo. 34 Kaya luma­bas ang buong bayan para salubungin si Jesus; at pagkakita nila sa kanya, hiniling nilang umalis siya sa kanilang lugar.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: