Tuesday, May 5, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 9, Sabado sa Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 14:7-14


Mabuting Balita: Juan 14:7-14
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad l7 Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit ngayon, kilala n’yo na siya at nakita ninyo siya.” 8 Sinabi sa kanya ni Felipe: “Pangi­noon, ipakita mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” 9 Sinabi sa kanya si Jesus: “Ang tagal na panahon n’yo akong kasa­ma at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pag­ka­kita sa akin ninu­man, ang Ama ang naki­kita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’?

10 Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang  mga salitang bini­bigkas ko. Sa akin nanu­nuluyan ang Ama, at siya ang guma­gawa ng kanyang mga gawa. 11 Mani­wala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa.

12 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa rin ng nananalig sa akin ang gawang ginawa ko; at mas dakila pa kaysa mga ito ang gagawin niya. Sapagkat sa Ama ako papunta. 13 Anu­mang hingin n’yo sa Pangalan ko’y gaga­win ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. 14 At kung may hingin kayo sa akin sa Pangalan ko, gagawin ko.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: