Tuesday, May 5, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 6, Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay : Juan 12:44-50


Mabuting Balita: Juan 12:44-50
44 Malakas namang sinabi ni Jesus: “Ang nananalig sa aki’y hindi sa akin kundi sa nagpadala sa akin. 45 Ang puma­pan­sin sa aki’y pumapansin sa nagpadala sa akin. 46 Dumating ako na liwanag sa mundo upang hindi mamalagi sa dilim ang bawat nananalig sa akin. 47 Kung may nakaka­ri­nig sa aking mga salita at hindi ito iniinga­tan, hindi ako ang humahatol sa kanya sapagkat duma­dating ako hindi para hatulan ang mundo kundi para iligtas ang mundo.

48 May humahatol sa bumabale-wala sa akin at di tumatanggap sa mga pana­nalita ko. Ang salitang ipina­ngusap ko ang siyang hahatol sa kanya sa huling araw. 49 Sapagkat hindi ako nangusap sa ganang sarili ko; ang nag­padala sa akin – ang Ama – siya mismo ang nag-utos sa akin kung ano ang sasabihin ko at ipangu­ngusap. 50 Alam kong buhay magpa­kailan­man ang kanyang utos. Kaya ang ipinangu­ngusap ko’y ipina­ngu­ngusap ko gaya ng sinabi sa akin ng Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: