Monday, May 25, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 25, Lunes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 16:29-33

Mabuting Balita: Juan 16:29-33
Noong panahong iyon sinabi ng kanyang mga alagad kay Hesus, "Ngayon po'y tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! Alam na naming batid ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin ninuman. Dahil dito, naniwala kaming kayo'y mula sa Diyos."

Sumagot si Jesus, "Naniniwala na ba kayo ngayon? Darating ang oras -- at ngayon na nga -- na magkakawatak-watak kayo, magkakanya-kanyang lakad kayo, at iiwan ninyo ako. Gayunma'y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinasabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit lakasan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!"

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: