Tuesday, May 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 21, Huwebes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 16:16-20


Mabuting Balita: Juan 16:16-20
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 16 Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin, at sandali pa at makikita ninyo ako.” 17 At sinabi ng kanyang mga alagad sa isa’t isa: “Ano itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako mapa­pansin at sandali pa at makikita ninyo ako.’ At ‘Papunta ako sa Ama’?” 18 At sinabi nila: “Ano ba itong sinasabi niyang ‘sandali’? Hindi natin maintin­dihan ang sinasabi niya.”

19 Naintindihan ni Jesus na gusto nila siyang tanungin kaya sinabi niya sa kanila: “Nagtatanungan kayo tungkol dito dahil sinabi kong ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin, at san­dali pa at makikita ninyo ako.’ 20 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, iiyak kayo at tataghoy, at maga­galak naman ang mundo. Maninimdim kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong paninimdim.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: