Mabuting Balita: Juan 20:1-9
1 Pagkatapos ng Araw ng Pahinga,
habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, nang makita
niyang tanggal ang bato mula sa libingan, 2 patakbo siyang pumunta kay
Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila:
“May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila
siya inilagay.”
3 Kaya lumabas si Pedro at ang isa
pang alagad, at pumunta sa libingan. 4 Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit
mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang nakarating sa
libingan. 5 Pagkayuko niya’y nakita niyang nakalatag ang mga telang linen
pero hindi siya pumasok.
6 Dumating namang kasunod niya si
Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang mga telang linen na
nakalatag, 7 at ang panyo namang nakatalukbong sa ulo niya ay di kasama
sa mga telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mismong lugar
nito. 8 Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan,
at nakita niya at siya’y naniwala. 9 Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan
na kailangan siyang magbangon mula sa mga patay.
No comments:
Post a Comment