Wednesday, April 08, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Abril 12, Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay : Juan 20:1-9


Mabuting Balita: Juan 20:1-9  
1 Pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan, 2 patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Pangi­noon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”

3 Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. 4 Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngu­nit mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang naka­rating sa libingan. 5 Pagkayuko niya’y nakita niyang nakala­tag ang mga telang linen pero hindi siya pumasok.

6 Dumating namang kasunod niya si Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang mga telang linen na nakalatag, 7 at ang panyo namang naka­­talukbong sa ulo niya ay di kasa­ma sa mga telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mis­mong lugar nito. 8 Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libi­ngan, at nakita niya at siya’y naniwala. 9 Sapag­kat hindi pa nila alam ang Kasu­latan na kailangan siyang mag­ba­ngon mula sa mga patay.


No comments: