Sunday, April 26, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Abril 28, Martes sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 6:30-35


Mabuting Balita: Juan 6:30-35
30 Sinabi ng mga tao kay  Jesus: “At anong tanda ang matatrabaho mo para makita nami’t maniwala kami sa iyo? Ano ba’ng gawa mo? 31 Kumain ng manna sa dis­yerto ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: Binigyan sila ng tinapay mula sa langit at kumain sila.

32 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang Ama ko ang nagbibigay sa inyo ng totoong tinapay mula sa Langit. 33 Ang tinapay ng Diyos ang puma­panaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mun­do.” 34 Kaya sinabi nila sa kanya: “Lagi n’yo pong ibigay sa amin ang tinapay na ito.”

35 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ako siyang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hinding-hindi mauuhaw ka­ilanman ang nananalig sa akin.  

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: