Wednesday, April 22, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Abril 25, Sabado; Kapistahan ni San Marcos, ebanghelista: Marcos 16:15-20


Mabuting Balita: Marcos 16:15-20
15 Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa bu­ong daigdig at ipahayag ang ebang­helyo sa buong sangkinapal. 16 Maliligtas ang maniniwala at mag­papabinyag; ha­hatulan naman ang di maniniwala. 17 At ito ang mga tandang sasama sa mga mani­niwala: magpapalayas sila ng mga de­mon­­yo sa aking Pangalan, magsasa­lita sila sa iba pang mga wika, 18 hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipa­patong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.”

19 Matapos silang kausapin ng Pangi­­noong Jesus, iniakyat siya sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. 20 At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasa­ma nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


No comments: