Mabuting
Balita: Marcos 16:9-15
9 Pagkabuhay
ni Jesus sa unang araw ng sanlinggo, una siyang napakita kay Maria Magdalena na
mula rito’y pitong demonyo ang pinalayas niya. 10 Umalis ito at nagbalita
sa mga kasama ni Jesus na noo’y umiiyak at nagluluksa. 11 Ngunit hindi
sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Jesus at napakita sa kanya.
12 Pagkatapos
nito, napakita naman si Jesus sa ibang anyo sa dalawa sa kanila habang papunta
sila sa labas ng bayan. 13 At pagbalik nila, ibinalita rin nila ito sa
iba pa pero hindi rin naniwala ang mga ito sa kanila. 14 Sa dakong huli,
nang nasa hapag ang Labing-isa, napakita sa kanila si Jesus at pinagsabihan
sila dahil sa kawalang-paniwala nila at katigasan ng puso: hindi nga nila
pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang buhayin.
15 At
sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo
sa buong sangkinapal.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment