Sunday, April 12, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Abril 13, Lunes sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay: Mateo 28:8-15


Mabuting Balita: Mateo 28:8-15
8 Agad na iniwan ng mga babae ang libingan na natatakot at labis na nagagalak, at tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad. 9 Nakasalubong nila sa daan si Jesus at sinabi niya: “Kapayapaan.” Paglapit sa kanya ng mga babae, niyakap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. 10 Si­nabi naman ni Jesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.”

11 Samantalang pabalik ang mga babae, nagbalik naman sa lunsod ang ilang mga bantay at ibinalita sa mga punong-pari ang lahat ng nangyari. 12 Nakipag-usap naman ang mga ito sa mga Matatanda ng bayan kaya kumuha sila ng sapat na halaga at ibinigay sa mga sundalo, 13 at tinagubilinan silang “Sabihin nin­yong dumating nang gabi ang kan­yang mga alagad at ni­nakaw ang katawan habang natutulog kayo. 14 Kung mabalitaan ito ng gobernador, kami ang bahala sa kanya at hindi kayo magka­kaprob­lema.” 15 Tinanggap ng mga sundalo ang pera at ginawa ang itinuro sa kanila; at laganap pa hanggang ngayon ang kuwentong ito sa mga Judio.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: