1 Sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: 2 “Ang
mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. 3 Pakinggan
at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan, sapagkat
nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. 4 Naghahanda sila ng mabibigat
na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila
ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon.
5 Pakitang-tao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad
na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawit
sa kanilang balabal. 6 Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o
upuan sa mga piging at sa sinagoga. 7 Ikinatutuwa rin nilang mabati sa
mga liwasan at matawag na guro ng mga tao.
8 Huwag kayong patawag na guro sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo
at magkakapatid kayong lahat. 9 Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman
sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. 10 Huwag
din kayong patawag na gabay sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si
Kristo. 11 Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. 12 Sapagkat
ibababa ang nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment