Saturday, March 21, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Marso 23, Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma: Juan 4: 43-54


Mabuting Balita: Juan 4: 43-54
43 Pagkatapos ng dalawang araw, umalis si Jesus pa-Galilea. 44 Nagpa­tunay nga mismo si Jesus na hindi pina­rarangalan ang isang propeta sa sariling bayan. 45 Gayon pa man, pag­dating niya sa Galilea, tinanggap siya ng mga Galileo dahil nasaksihan nila ang lahat ng ginawa niya sa Piyesta sa Jerusalem. Na­roon nga rin sila mismo sa Piyesta.

• 46 Nagpunta siyang muli sa Kana ng Galilea, doon niya ginawang alak ang tubig. At nangyari, na ang anak na lalaki ng isang opis­yal ng hari ay maysakit sa Capernaum. 47 Nang marinig niyang dumating si Jesus sa Gali­lea galing Judea, pinuntahan niya siya at ipi­naki­usap na lumusong at pagalingin ang kanyang anak na nasa bingit ng kama­tayan.

48 Kaya sinabi sa kanya ni Jesus: “Hang­ga’t hindi kayo naka­kakita ng mga tanda at mga kaba­ba­­laghan, hindi kayo mani­ni­wala.” 49 Sinabi naman sa kanya ng opis­yal: “Lumusong kayo bago mama­tay ang anak ko.” 50 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Makauuwi ka na. Buhay ang anak mo.”
Naniwala ang tao sa salitang sinabi sa kan­ya ni Jesus at umuwi siya.

51 At habang palusong na siya, sina­lubong siya ng kanyang mga alipin at sinabing buhay ang anak niya. 52 Ina­lam niya sa kanila ang oras nang magsimula siyang umigi, at sinabi nila: “Kaha­­pon po nang ala-una ng tanghali siya inibsan ng lag­nat.” 53 Kaya nalaman ng ama na ito ang oras nang sabihin sa kanya ni Jesus: “Buhay ang anak mo.” At na­niwala siya at ang buo niyang samba­hayan. 54 Ginawa ni Jesus ang ikalawang tan­dang ito pagkarating niya sa Galilea galing Judea.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: