Mabuting
Balita: Juan 5:31-47
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 31 Kung nagpapatunay ako sa
aking sarili, di mapanghahawakan ang aking patunay. 32 Ngunit iba ang
nagpapatunay tungkol sa akin at alam kong mapanghahawakan ang patunay niya
tungkol sa akin. 33 Nagpasugo kayo kay Juan at binigyang-patunay niya ang
katotohanan. 34 Ipinaaalaala ko ito para maligtas kayo; ngunit hindi ko
hangad ang patunay mula sa tao. 35 Siya nga ang ilaw na may sindi at
nagniningning, at ginusto n’yong magalak pansamantala sa kanyang liwanag.
36 May patunay naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga
gawang bigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon. Ang mga gawa mismong
ginagawa ko ang nagpapatunay na sinugo ako ng Ama. 37 At nagpapatunay rin
sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang
tinig ni nakita ang kanyang anyo. 38 At
hindi rin namamalagi sa inyo ang kanyang salita dahil hindi kayo naniniwala sa
kanyang sinugo.
39 Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan dahil inaakala ninyong
doon kayo magkakaroon ng buhay magpakailanman. Nagpapatunay nga sa akin ang
mga iyon 40 ngunit ayaw n’yong lumapit sa akin para mabuhay. 41 Hindi
ko hangad ang papuri mula sa mga tao, 42 ngunit kilala ko kayo: wala sa
inyong sarili ang pagmamahal sa Diyos.
43 Sa ngalan ng aking Ama ako dumating at hindi n’yo ako
tinatanggap; kung sakaling may dumating sa sarili niyang ngalan, siya ang
inyong tatanggapin. 44 Paano kayo makapaniniwala kung papuri sa isa’t
isa ang hangad n’yo at hindi ang papuring galing sa tanging Diyos ang hangad? 45 Huwag
n’yong akalain na ako ang magsasakdal laban sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises
ang nagsasakdal laban sa inyo, siya na inyong inaasahan.
46 Kung pinaniwalaan nga ninyo si Moises, paniniwalaan din sana
ninyo ako sapagkat tungkol sa akin siya nagsulat. 47 Ngunit kung hindi
n’yo paniniwalaan ang kanyang mga sinulat, paano n’yo paniniwalaan ang
aking mga pananalita?
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment