Mabuting Balita: Mateo 21:33-43, 45-46
Sinabi ni Jesus sa mga punong pari at matatanda ng mga Judio 33 Makinig
kayo sa isa pang halimbawa: May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng
ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo
ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay
sa malayo. 34 Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng
may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang kanyang
bahagi sa ani. 35 Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang mga
katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan.
36 Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong pero ganoon
din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. 37 Sa bandang huli, ipinadala
na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ 38 Ngunit
nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapagmana.
Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.’ 39 Kaya sinunggaban
nila siya, at pinalayas sa ubasan at pinatay.
40 Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa
mga magsasaka?” 41 Sinabi nila sa kanya: “Hindi niya kaaawaan ang
masasamang taong iyon; pupuksain niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa
ibang magsasakang magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan.”
42 At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Naging
panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon;
at kahanga-hanga ang ating nakita.’ 43 Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin
sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago
nito.
45 Nang marinig ng mga punong-pari at mga Pariseo ang mga talinhagang
ito, naunawaan nila na sila ang pinatutungkulan ni Jesus. 46 Huhulihin na
sana nila siya ngunit natakot sila sa mga tao na kumikilala sa kanya bilang
propeta.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment