Mabuting
Balita: Juan 7:1-2, 10, 25-30
1 Nilibot ni Jesus ang Galilea. Iniiwasan niya ang Judea dahil nais
siyang patayin ng mga pinuno ng mga Judio roon. 2Nalalapit na noon ang Pista ng
mga Tolda, isa sa mga pista ng mga Judio. 10 Pagkaalis ng kanyang mga kapatid,
si Jesus ay palihim na pumunta rin sa pista.
25Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong nais nilang
patayin? 26Hayan! Lantaran siyang nangangaral, ngunit wala silang sinasabi
laban sa kanya! Baka naman nakilala ng mga pinuno na siya na nga ang
Cristo! 27Ngunit pagdating ng Cristo ay walang makakaalam kung saan siya
magmumula, subalit alam natin kung saan nagmula ang taong ito!”
28Kaya't habang si Jesus ay nagtuturo sa Templo, sumigaw siya, “Ako ba'y
talagang kilala ninyo? Alam nga ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ako
naparito dahil sa aking sariling kagustuhan lamang. Karapat-dapat pagtiwalaan
ang nagsugo sa akin.
Hindi ninyo siya nakikilala, 29 ngunit nakikilala ko siya, sapagkat
sa kanya ako nagmula, at siya ang nagsugo sa akin.” 30Nais na siyang dakpin ng
ilang naroroon, ngunit walang nangahas sapagkat hindi pa dumarating ang tamang
panahon.
No comments:
Post a Comment