Mabuting
Balita: Marcos 12:28-34
28 May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo ni Jesus at
ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Jesus sa mga Sadduseo,
lumapit siya at nagtanong kay Jesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?”
29 Sumagot si Jesus na “Ito ang una: Makinig nawa, O Israel! Iisa
lang ang Panginoong ating Diyos. 30 At mamahalin mo ang Panginoon mong
Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong pag-iisip at
nang buo mong lakas. 31At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa
gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa kaysa mga ito.”
32 Kaya sinabi ng guro ng Batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi
mong isa Siya at wala na maliban sa kanya. 33 At ang mahalin siya nang
buong puso at nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa
gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.”
34 Nakita ni Jesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi
ka malayo sa kaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong sa kanya.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment