Thursday, February 13, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Martes Pebrero 18, Ikaanim na Linggo ng Taon: Marcos 8:14-21


Mabuting Balita: Marcos 8:14-21
14 Nakalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay at isa lang ang dala nila sa bangka. 15 At pinagsabihan sila ni ­Jesus: “Mag-ingat at huwag magtiwala sa leba­dura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.” 16 At sinabi ng mga alagad sa isa’t isa: “Oo nga, ano? Wala tayong dalang tinapay.”

17 Alam ni Jesus ang mga ito kaya si­nabi niya sa kanila: “Bakit ninyo pinag-uusapan ang tinapay na wala sa inyo? Hindi pa ba ninyo maisip at maunawaan? Mapurol ba ang inyong pag-iisip? 18 May mata kayong di nakakakita at may ta­i­ngang di naka­karinig? Hindi na ba ninyo naaalala 19 nang pinira-­piraso ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At suma­got sila: “Labin­dalawa.” 20 “At nang may pitong tinapay para sa apat na libo, ilang ba­yong na puno ng mga pira-piraso ang inyong na­ipon?” At suma­got sila: “Pito.” 21 At si­nabi ni ­Jesus: “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: