Tuesday, February 18, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Pebrero 23, Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 5:38-48


Mabuting Balita: Mateo 5:38-48
38 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad narinig na ninyo na sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. 39 Ngunit sina­sabi ko sa inyo: Huwag ninyong laba­nan ng masama ang masama. Kung sam­palin ka sa kanang pisngi, ibaling ang mukha at iharap ang kabilang pisngi. 40 Kung may magdemanda sa iyo para kunin ang iyong sando, ibigay mo pati ang iyong kami­seta. 41Kung may pumilit sa iyong suma­ma sa kanya nang  isang  kilometro,  dala­wang kilometro ang la­ka­rin mong kasama niya. 42 Bigyan ang nanghi­hingi at huwag talikuran ang may hinihiram sa iyo.

43 Narinig na ninyo na sinabi: Ma­ha­lin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong ka­away, at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo. 45 Sa ganito kayo magi­ging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sa­pagkat pinasisikat niya ang araw sa kap­wa ma­sama at mabuti, at pinapapatak niya ang ulan sa kapwa makatarungan at di-maka­tarungan.

46 Kung mahal ninyo ang nagma­mahal sa inyo, bakit kayo gagantim­palaan? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga kolektor ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong bina­bati, ano ang na­iiba rito? Di ba’t gina­gawa rin ito ng mga pagano? 48 Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: