Mabuting
Balita: Marcos 8:27-33
27 Pumunta si Jesus kasama ang kanyang mga alagad sa mga nayon ng
Cesarea ni Filipo. At habang nasa daa’y tinanong niya ang kanyang mga alagad:
“Sino raw ako ayon sa mga tao?” 28 Sumagot sila: “May nagsasabing si
Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o isa sa mga propeta
kaya.”
29 At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung
sino ako?” At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.” 30 At inutusan niya
sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.
31 At sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng
marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga
punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon pagkatapos
ng tatlong araw. 32 At buong-tapang siyang nagsalita. Dinala naman siya
ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan. 33 Ngunit
pagtalikod ni Jesus, nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan
niya si Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo
kundi mula sa tao.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment