Wednesday, February 5, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Pebrero 6, San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama: Marcos 6:7-13


Mabuting Balita: Marcos 6:7-13
Naglibot naman si Jesus sa mga nayon sa paligid sa kanyang pagtu¬turo. 7 At tinawag niya ang Labin¬dalawa at sinimulang isugo sila nang dala-¬dalawa. Binigyan niya sila ng kapang¬yarihan sa mga maruming espiritu. 8 At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay kundi tungkod la¬mang. Walang pagkain, wa¬lang pitaka o pera sa sinturon. 9 Nakasandalyas at may isang damit lang.

10 At sinabi niya sa kanila: “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo mula roon. 11 Kung may lugar na hindi tatang¬gap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa ka¬nila.”

12 At pag-alis nila, ipinangaral nila ang pagbabalik-loob. 13 Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


No comments: