Friday, January 31, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Sabado Pebrero 1, Ikatlong Linggo ng Taon: Marcos 4:35-41


Mabuting Balita: Marcos 4:35-41
• 35 Kinahapunan ng araw na iyon, sina­bi ni Jesus sa kanila: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.” 36 Kaya iniwan nila ang mga tao at namangka silang kasama ni Jesus sa bangkang inu­upuan niya. At may iba pang mga bangka na kasabay nila. 37 At nagkaroon ng malakas na ipu­­ipo. Hinampas ng mga alon ang bang­­ka at halos  lumubog na 38 samantalang tulog siya sa kutson sa hulihan.

Kaya ginising nila siya at sinabi: “Guro, halos mamamatay na tayo at bale-wala sa iyo!”
39 Pagbangon niya, inutusan niya ang hangin at sinabi sa dagat: “Tahi­mik, huwag kumibo.” Nabawasan ang hangin at nag­karoon ng ganap na kapa­yapaan. 40 At sinabi niya sa kanila: “Napakatatakot ninyo! Bakit? Wala pa ba kayong pani­wala?”

41 Ngunit lalo silang nasindak at nag-usap-usap: “Sino ito na pati hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: