Monday, January 13, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Sabado Enero 18, sa Unang Linggo ng Taon: Marcos 2:13-17


Mabuting Balita: Marcos 2:13-17
13 Pumunta si Jesus sa tabing-dagat at lumapit din sa kanya ang lahat. Kaya nagturo siya sa kanila. 14 Nakita naman niya sa paglalakad si Levi na anak ni Alfeo, na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo ito at sinundan siya.

15 Habang nanunuluyan naman si Jesus sa bahay ni Levi, maraming taga­singil ng buwis at iba pang maka­sa­la­nan ang nakisalo kay Jesus at sa kan­yang mga ala­gad. Talaga ngang marami sila. 16 Ngu­nit may mga guro ng Batas namang sumu­sunod sa kan­ya. Nang makita nila na nasa hapag siya kasama ng mga makasalanan at mani­ningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang mga alagad: “Ano! kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at mani­ningil ng buwis?”

17 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Hindi ang malulusog ang nanga­ngailangan ng doktor kundi ang mga may­sakit! Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: