Mabuting
Balita: Mark 3:31-35
31 Dumating naman ang ina ni Jesus at ang kanyang mga kapatid; nakatayo
sila sa labas at ipinatawag siya. 32 Nakaupo si Jesus at napapaligiran ng
mga tao nang may magsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid;
hinahanap ka nila.” 33 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Sino ang aking ina
at mga kapatid?”
34 At pagtingin niya sa mga nakaupo sa paligid niya ay kanyang
sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. 35 Kapatid kong lalaki at
kapatid na babae at ina rin ang sumusunod sa kalooban ng Diyos.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment