Monday, January 27, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Martes Enero 28, Santo Tomas Aquino pari at pantas ng Iglesia : Marcos 3:31-35


Mabuting Balita: Mark 3:31-35
31 Dumating naman ang ina ni Jesus at ang kanyang mga kapatid; naka­tayo sila sa labas at ipinatawag siya. 32 Naka­upo si Jesus at napapaligiran ng mga tao nang may magsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; hinahanap ka nila.” 33 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Sino ang aking ina at mga kapatid?”

34 At pagtingin niya sa mga nakaupo sa paligid niya ay kanyang sinabi: “Na­rito ang aking ina at mga kapatid. 35 Ka­patid kong lalaki at kapatid na babae at ina rin ang sumusunod sa kalooban ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: