Monday, January 20, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Martes Enero 21, Santa Agnes, dalaga at martir: Marcos 2:23-28


Mabuting Balita: Marcos 2:23-28
23 Naglakad si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pa­hinga. At ha­bang naglalakad ang kanyang mga alagad, sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. 24 At sinabi kay Jesus ng mga Pariseo: “Tingnan mo ang ginagawa nila sa Araw ng Pahinga. Hindi ito ipinahi­hintulot.”

25 Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kailanman ang ginawa ni David nang nangangailangan siya at nagu­gutom – siya at ang kanyang mga kasama? 26 Pumasok siya sa bahay ng Diyos nang si Abiatar ang Punong-pari, at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal ito kaninuman liban sa mga pari, at binigyan pa niya pati na ang kanyang mga kasama.” 27 At sinabi pa sa kanila ni Jesus: “Dahil sa tao kaya ginawa ang Araw ng Pa­hinga ngu­nit hindi ang tao dahil sa Araw ng Pahinga. 28 Kung gayon, ang Anak ng Tao ang Panginoon kahit na ng Araw ng Pahi­nga.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: