Mabuting
Balita: Mark 3:22-30
22 May dumating namang mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem, at
sinabi nila: “Sumasakanya si Beelzebul at sa tulong ng pinuno ng mga demonyo
siya nagpapalayas sa mga ito.”
23 Tinawag sila ni Jesus at
nagsalita sa talinhaga: “Puwede bang Satanas ang magpalayas sa Satanas?
24 Kung may pagkakahati-hati ang isang kaharian, hindi na makatatayo
ang kahariang iyon. 25 At kung may sambahayang nagkakahati-hati, hindi
na makatatayo ang sambahayang iyon. 26 At kung si Satanas ang lumalaban
sa kanyang sarili at nagkakahati-hati, hindi na siya makatatayo kundi malapit
na ang wakas niya. 27 Walang makapapasok sa bahay ni Malakas at makaaagaw
sa lahat niyang mga gamit kung hindi muna itatali si Malakas. Saka lamang niya
masasaid ang lahat ng ari-arian nito.
28 Sinasabi ko sa inyo: patatawarin ang mga anak ng tao sa lahat –
sa kanilang mga kasalanan at pati sa kanilang mga paglait sa Diyos kahit na
marami man ang mga paglait nila sa Diyos. 29 Ngunit kung may magsalita
laban sa Espiritu Santo, kailanma’y di siya mapapatawad; kasa-lanang walang
hanggan ang nasa kanya.” 30 Ang pagsasabi nilang may masamang espiritu
siya ang tinutukoy ni Jesus.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment