Monday, January 27, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Enero 27, Ikatlong Linggo ng Taon: Marcos 3:22-30


Mabuting Balita: Mark 3:22-30
22 May dumating namang mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem, at sinabi nila: “Sumasakanya si Beelzebul at sa tulong ng pinuno ng mga demon­yo siya nagpapalayas sa mga ito.”

 23 Tinawag sila ni Jesus at nagsalita sa talinhaga: “Puwede bang Satanas ang mag­­palayas sa Satanas? 24 Kung may pag­ka­­kahati-hati ang isang k­aha­rian, hindi na makatatayo ang kaha­riang iyon. 25 At kung may sambaha­yang nagkakahati-hati, hindi na ma­ka­ta­tayo ang sambahayang iyon. 26 At kung si Satanas ang lumalaban sa kan­yang sarili at nagkakahati-hati, hindi na siya makatatayo kundi malapit na ang wakas niya. 27 Walang makapa­pasok sa bahay ni Malakas at maka­a­agaw sa lahat niyang mga gamit kung hindi muna itatali si Malakas. Saka lamang niya masasaid ang lahat ng ari-arian nito.

28 Sinasabi ko sa inyo: patatawarin ang mga anak ng tao sa lahat – sa kani­lang mga kasalanan at pati sa kanilang mga paglait sa Diyos kahit na marami man ang mga paglait nila sa Diyos. 29 Ngunit kung may magsalita laban sa Espiritu Santo, kailanma’y di siya mapa­patawad; kasa-lanang walang hanggan ang nasa kanya.” 30 Ang pagsasabi nilang may masa­mang espiritu siya ang tinutukoy ni Jesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: